Bilang MSMEs sa gitna ng pandemya, tumaas pa

Umabot na sa 957,620 negosyo ang pinapatakbo sa Pilipinas sa gitna ng pandemyang idinulot ng COVID-19.

Batas sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), 99.5% o 952,969 dito ay kabilang sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) kung saan 0.49% o 4,651 ang malalaking negosyo.

Tiwala naman ang Philippine Export Service Providers and Consolidators Association (PESPCA) na malaking tulong ang MSMEs upang mapaunlad muli ang ekonomiya ng bansa naaapektuhan ng pandemya.


Facebook Comments