Nasa 40 milyon pa ang dapat habulin ng pamahalaan para mabigyan ng unang dose ng booster shot laban sa COVID-19.
Ayon kay Vaccine Expert Panel Dr. Nina Gloriani, hindi dapat ipagsawalang bahala ang unang booster dose dahil malinaw naman sa mga datos at pag-aaral na ang minimum na bilang ng vaccine doses na kailangang maibigay sa isang indibidwal ay tatlo.
Sa kabila nito, sang-ayon naman si Gloriani na dapat ng maibigay na sa mga nasa edad 50 pataas ang ikalawang booster dose.
Pero sa hanay ng mga edad 50 pababa, maaari aniya itong i-delay pa ng bahagya at tutukan ang pagbibigay ng 1st booster dose dahil marami pang bilang ang dapat habulin ng pamahalaan.
Facebook Comments