Ikalawang batch ng mga neophyte congressmen, sumalang na rin sa orientation

Sumalang na rin sa orientation ang ikalawang batch ng mga neophyte o bagitong kongresista ngayong 19th Congress.

Ang orientation ay bilang paghahanda ng mga baguhang mambabatas sa pagbubukas ng sesyon sa July 25.

Kahapon, July 4, hanggang bukas, July 6 ang idinaraos na orientation na ginagawa sa may Andaya Hall ng Batasang Pambansa Complex mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.


May mga inimbitahang speaker para magsalita at magpaliwanag sa iba’t ibang field gaya ng public policy, legislative and budget process, parliamentary rules and procedures at iba pa.

Kasama rin sa orientation ang aktuwal na trabaho ng mga mambabatas gaya ng pag-akda ng mga bill bukod sa mga mock committee meetings at mock plenary session.

Sa pagtaya, 152 ang neophyte at returning congressmen sa pagbubukas ng 19th Congress.

Facebook Comments