Umabot na sa 316 accommodation establishments sa Boracay ang accredited na ng Department of Tourism (DOT).
Ibig sabihin, maari nang makapag-operate ang mga ito sa isla.
Ayon sa DOT, nakasunod ang mga ito sa requirements na itinakda ng kanilang ahensya, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang mga accredited establishments ay pwede na ring tumanggap ng bookings at reservations kung saan aabot na sa 11,612 ang available rooms.
Nanawagan ang Boracay inter-agency sa publiko na iwasan ang transaksyon sa mga establisyimento na hindi pa nakakapag-secure ng kaukulang clearances, permits o accreditation mula sa DOT, DENR at DILG.
Facebook Comments