Pag-aresto sa nobyo ng babaeng namatay sa drug overdose, ipinag-utos na ni PRRD

2276

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pag-aresto sa kasintahan ng 19-anyos na babae na namatay dahil sa party drug overdose nitong January 20.

Ayon kay Police Regional Office – Central Visayas (PRO-7) Director, Chief Superintendent Debold Sinas – personal siyang tinawagan ng Pangulo para arestuhin si Nel Spencer Tiu.

Si Tiu ay boyfriend ni Ashley Abad na binawian ng buhay matapos mahimatay sa isang concert noong January 19 sa Cebu Business Park.

Base sa awtopsiya, si Abad ay na-overdose sa paggamit ng ecstasy.

Sa ngayon, hindi pa rin nagpapakita si Tiu para magbigay linaw sa insidente.

Kapag patuloy na magtatago si Tiu, hihiling na ang PRO-7 kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde na gamitin ang subpoena power laban sa kanya.

Facebook Comments