Bilang ng active cases ng COVID-19 sa tatlong lungsod sa Metro Manila, tumaas na!

Nakitaan ng pagtaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay, Muntinlupa at Parañaque.

Batay sa datos mula sa Local Government Units (LGUs) ng Pasay, sa loob lamang ng dalawang linggo ay lumobo sa 77 mula sa isa ang naitalang bilang ng aktibong kaso.

Nai-record ito nitong December 30 na mas mataas sa naitalang isang kaso noong December 20 hanggang 23.


Samantala, sa Parañaque ay pumalo sa 63 ang active cases mula sa 13 na naitala nitong December 24.

Nasa 48 naman ang bagong kasong naitala sa Muntinlupa mula sa unang lima noong December 20.

Sa ngayon, patuloy ang paghimok ng alkalde ng tatlong lungsod sa kanilang nasasakupan na mahigpit pa ring sumunod sa health protocols.

Facebook Comments