Presidente ng PATAFA, kakalabanin ang desisyon ng Philippine Olympic Committee na ideklara siyang persona non grata

70

Pinaplano ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) President Philip Ella Juico na kalabanin ang desisyon ng Philippine Olympic Committee (POC) na ideklara siyang persona non grata.

Kasabay ito ng gulo sa pagitan ng pole vaulter na si EJ Obiena at ng organisasyon na pinamumunuan ni Juico.

Katiwiran ni Juico, hindi sakop ng POC ang pagbibigay ng solusyon sa isyu dahil una muna itong dapat resolbahin sa PATAFA.


Nitong martes, unang inaprubahan ng Philippine Olympic Committee ang rekomendasyong ideklarang persona non grata si Juico na ginawa ng kanilang ethics board.

Facebook Comments