Bilang ng active cases sa lungsod ng Taguig, nadagdagan ng siyam

Muling tumaas sa 28 ang bilang ng active cases sa lungsod ng Taguig ngayon araw matapos itong madagdagan ng siyam sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa tala ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), ito ay dahil mayroong 29 bagong naitalang kaso ng COVID-19, pero 18 lang ang mga bagong gumaling at nagkaroon pa ng dalawa bagong nasawi na dulot ng virus.

Iginiit naman ng pamunuan ng CEDSU na sa kabuuan, mas marami ang gumagaling mula sa naturang sakit dahil nasa 98.16% ang recovery rate sa lungsod kung saan katumabas ito ng 10,612.


Kumpara sa mga nasasawi, dahil nasa 1.58% lang ang case fatality rate o katumbas ng 171, matapos itong madagdagan ng dalawa kagabi kung saan ang dalawang bagong nasawi ay mula sa Barangay Wawa at Fort Bonifacio base sa record ng CEDSU.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taguig City ay umabot na sa 10,811.

Facebook Comments