Bilang ng active cases sa Makati City, umakyat na sa mahigit 1,200

Nakapagtala ang Makati Health Department (MHD) ng 1,249 active cases ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa lungsod matapos madagdagan ito ng 15 kagabi.

Base sa record ng MHD kagabi, mayroon ng 2,258 ang gumaling mula sa naturang sakit habang nasa 154 naman ang mga nasawi na dulot ng virus.

Mula sa kabuuang bilang, 3,661 ang confirmed COVID-19 cases sa Makati City.


Ipinapaalala muli ni Makati Mayor Abby Binay sa lahat ng taga-Makati na manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.

Kung sa pakiramdam nila aniya na mayroon silang sintomas ng COVID-19, mangyaring tumawag sa 168 o (02) 8942 6843 at huwag lumabas ng bahay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus at hindi na makapanghawa pa.

Facebook Comments