Kinumpirma ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) na mula pa noong Lunes tumataas na ang bilang active cases sa kanilang lungsod.
Batay sa kanilang tala, noong January 4, Lunes, mayroon lang siyam na active cases ang lungsod.
Pero nadagdagan ito ng anim noong January 5, dahilan para tumaas ng 15.
Mahigit kalahati naman ang naidagdag noong January 6, kaya naman umabot ito ng 33.
Kahapon, ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod ay nasa 49 na.
Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang naman nga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay umabot ng 10,750, kung saan 10,523 ay mga gumaling na sa naturang sakit habang 168 naman ang mga nasawi, batay sa pinakabagong datos ng CEDSU.
Facebook Comments