Cabagan, Isabela- Patuloy parin ang mahigpit na pagtutok ng PNP Cabagan kaugnay sa pagpapababa ng bilang ng naitatalang aksidente sa lansangan sa kanilang nasasakupan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Chief Incpector (PCI) Noel Magbitang, ang hepe ng PNP Cabagan sa naging panayam ng RMN Cauayan sa Programang Sentro Serbisyo.
Aniya, kalimitan umano sa mga nasasangkot ng disgrasya ay ang mga lasing at maging mga menor de edad na walang disiplina sa pagmamaneho.
Samantala, inihayag naman nito na ngayong huling Quarter ay mas bumaba ang bilang naitalang aksidente sa lansangan at batay sa ibinahaging datos ay tinatayang nasa mahigit kumulang limampung aksidente nalamang ang kanilang naitala.
Sinabi pa ni PCI Magbitang na malaki ang naitutulong ng kanilang ginagawang pagpapatrolya sa kanilang area of responsibility upang mamonitor ang mga ganitong uri ng insidente at isa ito sa magandang paran upang mapaalalahanan at magabayan ang mga residente.