Cauayan City, Isabela- Bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela sa kabila ng panibagong naitalang positibong kaso ngayong araw.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, labing apat (14) lamang ang naitalang bagong kaso ngayong araw at ang mga ito ay naitala sa Santiago City (7); Tumauini (2); Cabatauan (2); Benito Soliven (2); Gamu (1) at Reina Mercedes (1).
Bagamat may mga bagong kaso, mataas naman ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 na aabot sa 70 na nagdadala sa kabuuang bilang ng nakarekober na 3,332.
Mayroon na lamang 421 na total active cases ng COVID-19 ang Isabela mula sa 3, 814 na total confirmed cases.
Mula naman sa 421 na aktibong kaso sa probinsya, anim (6) rito ay mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t isang (21) Health Workers; labing pito (17) na pulis at 377 na Local Transmission.
Nasa animnapu’t isa (61) naman ang naitalang total COVID-19 related deaths ng Isabela.