Inihayag ng Mandaluyong City Health Department na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga aktibong kaso sa lungsod.
Batay sa kanilang datos noong July 17, meron 164 na active cases ang lungsod, pero bumaba ito sa 161 ngayong umaga.
Ang Barangay Barangka Ilaya ang may pinakamaraming aktibong kaso sa lungsod, kung saan mayroon itong 22 active cases.
Habang ang Barangay Buayang Bato, Burol, Daang Bangkal, Hagdang Bato Itaas, Harapin ang Bukas, Pleasant Hills at Vergara ay mga zero active cases na.
Samantala, ang kabuuang bilang naman ngayon ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nasa 17,064 na.
Mula sa nasabing bilang, 16,476 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit habang ang 427 ay bilang naman ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng sakit.