Unti-unti nang bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa inilabas na datos ng Manila Public Information Office, mula sa 390 nitong mga nakaraang araw, nasa 357 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19.
Nadagdagan naman ng 61 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit kaya’t umaabot na sa 25,672 ang kabuuang bilang nito.
Isa naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayon ay nasa kabuuan nang 789 habang pumalo sa 26,818 ang bilang ng kumpirmadong kaso.
Nangunguna ang Malate sa may mataas na bilang ng active cases na nasa 60, sinundan ng Sampaloc na may 54, 42 sa Tondo District 1 at 33 sa Tondo District 2.
Muli naman nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila na sumunod sa inilalatag na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing kung saan iwasan na rin ang paglabas ng tahanan kung wala naman importanteng gagawin.