Bumaba na sa 892 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, matapos itong mabawasan ng 38 na pasyente kagabi.
Ito ay batay sa pinakabagong tala ng Mandaluyong City Health Office.
892 na aktibong kaso ng nasabing sakit, 41 na bilang nito ay mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Habang 13 naman ang nabigyan na unang dose ng COVID-19 vaccine.
Pero wala sa kanila ang nakitaan ng severe na sintomas ng nasabing sakit.
Sa kasalukuyang datos, pumalo na sa 19,166 ang kabuuang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong, kung saan 17,706 nito ay nakarekober na mula sa nasabing sakit at 456 naman na ang nasawi sa lungsod na dulot ng virus.
Facebook Comments