Inihayag ng Mandaluyong City Health Office o CHO na nasa 115 nalang ang bilang ng aktibong kaso sa lungsod.
Ayon sa CHO, lahat ng kanilang aktibong kaso ng nasabing sakit ay nananatili sa kanilang quarantine facilities.
Tiniyak naman ng CHO na puspusan din ang kanilang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga indibidwal na kabilang sa kanilang aktibong kaso.
Sa ngayon, ang Mandaluyong City ay meron ng 26,584 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Kung saan 25,903 sa mga ito ay gumaling habang 566 ang nasawi dahil sa virus.
Facebook Comments