Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, nasa 22 na lang

Base sa impormasyong inilabas ng Manila Public Information Office ay nasa 22 na lang ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nabanggit na bilang ay lima ang panibagong tinamaan ng virus at walang naitala na panibagong nasawi.

Kahit kakaunti na lang ang naitatalang dinadapuan ng virus ay patuloy ang paalala ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso sa lahat na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols at magpabakuna.


Sa ngayon ay nasa mahigit 3.4 million na ang nabigyan ng Manila Local Government Unit (LGU) ng COVID-19 vaccine sa edad 12 pataas habang mahigit 121,000 naman ang nabakuhanan na edad lima hanggang 11.

571,290 naman ang nabigyan na ng booster shots sa lungsod habang 24,111 ang nakatanggap ng 2nd booster shots.

Facebook Comments