Umaabot na lamang sa 1,677 ang aktibong kaso ng Philippine National Police (PNP) kahapon.
Ito ay humigit kumulang kalahati na lang sa naitalang pinakamataas na bilang noong Marso 31, na umabot sa mahigit 3,300.
Batay sa huling ulat ng PNP Health Service ng 110 recoveries at 118 na bagong kaso ang naitala khapon kahapon.
Ayon naman kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, 51 sa mga aktibong kaso ang nagpapagaling sa iba’t ibang ospital.
Habang 811 ang naka-isolate sa mga treatment facilities ng PNP, at 815 naman ang nasa iba’t ibang quarantine centers.
Sa kasalukuyan ay 20,509 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID- 19, kung saan 18,776 ang nakarekober at 56 ang namatay dahil sa virus..