Mahigit 900,000 na tinamaan ng COVID-19, gumaling na

38

Umaabot na sa 975,234 o katumbas ng 91.8% ang mga pasyenteng gumaling o nakarekober na sa sakit na COVID-19 kung saan 9,214 ang naitalang mga bagong gumaling.

Base sa datos ng Department of Health (DOH) umaabot na sa 1,062,225 ang kabuuang bilang ng COVID-19 kung saan umaabot sa 7,255 ang bagong tinatamaan ng COVID-19, 15.7% ang nagpositibo habang umaabot naman sa 17,525 ang mga nasawi at 94 naman ang nadagdag na nasawi.

Napag-alaman na halos 96.5% ang mild at asymptomatic na kaso kung saan pumalo sa 69,466 ang aktibong kaso o katumbas ng 6.5% at umaabot sa 44,107 ang sumailalim sa test.


Facebook Comments