Bilang ng aktibong kaso sa Las Piñas city, patuloy na bumababa

Patuloy na bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Las Piñas habang tumataas naman ang bilang ng mga nakakarekober.

Sa inilabas na datos ng Las Piñas City Health Office, nadagdagan ng 17 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung kaya’t pumalo na sa 70 ang kabuuang bilang ng active cases.

15 naman ang naitalang nadagdag na gumaling sa sakit kaya’t nasa 5,702 ang kabuuang bilang nito.


Nanatili naman sa 201 ang bilang ng nasawi habang 5,343 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa lungsod ng Las Piñas.

Pinulong naman ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang mga doctor ng City Health Office (CHO) upang pag-usapan ang updates sa mga kaso ng COVID-19 at ang mga gagawing pang hakbang ng lokal na pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.

Sa kabila nito, muling pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang publiko na mag-ingat, maging disiplinado at sumunod sa health and safety protocols upang makaiwas sa virus.

Facebook Comments