Bilang ng araw ng pagproseso para makakuha ng OEC ang mga OFW, pinaikli

Umikli ang araw ng paghihintay ng Overseas Filipino Workers o OFWs para mai-release ang kanilang Overseas Employment Certificate o OEC.

Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac na mula sa dating 20 hanggang 30 araw na paghihintay ng OFW sa pag-release ng OEC, umaabot na lamang ito ngayon sa pito hanggang 15 araw.

Sinabi ni Cacdac, nang nakaraang taon ay umabot sa 2.5 milyong OEC at passes ang na-issue ng kanilang ahensya sa mga OFW na nais bumalik sa ibang bansa para magtrabaho.


Samantala, tiniyak naman ni Cacdac na patuloy ang kanilang effort kontra illegal recruitment, anti-human trafficking at anti-illegal recruitment.

Sa katunayan, mahigit 7,000 illegal recruitment sites sa Facebook ang na-take down na ng DMW sa pakikipagtulungan ng Facebook.

Facebook Comments