Bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa, tumaas na naman; Bilang ng mga Pinoy na nakakarecover sa COVID sa abroad, tumaas ng 63.17%

104

Tumaas na naman ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

4,935 ang bagong COVID cases sa bansa kaya umaabot na ngayon ang total cases sa 257,863.

Sa nasabing bilang, 66,455 ang active cases.

Tumaas din ang bilang ng mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa nasabing virus.

186 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay 4,292.

659 naman ang nakarecover kaya ang total recoveries ay 187,116.

Samantala, tumaas ng 63.17 % ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na gumaling sa COVID-19.




Sa ngayon ang total recoveries ay 6,431 matapos madagdagan ng panibagong 10.

Bumaba rin ang bilang ng active cases sa 29.29 % at ang total cases ngayon sa hanay ng mga Pinoy sa 77 mga bansa ay 10,181.

Muli, walang nadagdag sa bilang ng mga Pinoy na binawian ng buhay sa COVID sa abroad kaya nananatili ang total deaths sa 768.

Facebook Comments