Bilang ng biktima ng paputok sa Pangasinan pumalo na sa 14

Pumalo na sa 14 ang bilang ng biktima ng paputok sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Pangasinan Health Office.
Sinabi ni Dra. Anna De Guzman, PHO Health Officer , naitala ang bilang na ito mula ika- 21 ng Disyembre hanggang ngayong araw.
Mas mababa umano ang bilang na ito kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala ng 33 kaso.
Nasa edad na anim hanggang 13 ang biktima ng paputok sa lalawigan. Pinakamarami ang biktima ng luces, kwitis at 5 star.
Gayunman, handa umano ang Pangasinan Health Office sa pagsalubong sa bagong taon at umaapela na umiwas sa pag gamit ng paputok upang hindi na tumaas pa ang bilang ng mga mabibiktima nito.

Facebook Comments