Mahigit P65-million pinsala ng Bagyong Ursula sa agricultura, Secretary William Dar ng DA ngangako ng tulong.

Kalibo Aklan— Base sa initial report ng Provincial Agriculturist na inilabas noong d December 30, 2019 umabot sa ngayon ng P65, 018, 319.00 ang pinsala ng bagyo.
Lubos na naapektuhan ang mga pananim na saging kung saan umabot ng 1,023 hectares ang nasira habang 470 hectares sa fruit trees at 340 hectares naman sa pananim na gulay.
Bagamat nasa vegetative stage palang ang mga pananim na palay sa lalawigan, naapektuhan ang 169 hectares sa bayan ng Banga at Lezo.
Nasira rin ang 114 hectares ng mais sa Bayan ng Banga, Kalibo at Lezo.
20 bangka rin ang nasira dahil sa bagyo sa bayan ng Numancia.
Napag-alaman na nagkakahalaga rin ng P48.893 million ang pinsala sa fisheries sector.
Ang bayan ng Altavas ay nakapagtala ng P30.867 million, Batan na may P6.203 million; Lezo, P349,500 at bayan ng New Washington na may P11.548 million na pinsala.
Sa isinagawang pulong ni Secretary William Dar ng Department of Agriculture kasama si Governor Florencio “Joeben” Miraflores, inihayag nito na nakikipagtulungan na sila sa Provincial Government para mabigyan ng pag-asa ang mga magsasaka at mangingisda sa probinsiya para makabangon mula sa sakuna.
Sa ngayon aniya kung pagsasamahin ay umaabot na sa P300 million ang pinasala ng bagyo sa agrikultura sa mga probinsiya ng Aklan at Capiz.
Nangako rin ang sekretaryo na makakatanggap ng mga bangka, fingerlings at mga punla mula sa Department of Agriculture at Bureau of fisheries and Aquatic Resources ang mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments