Nagpapatuloy ang paghahanda ng Commission on Elections Pangasinan sa nalalapit na National and Local Elections sa susunod na taon.
Ayon kay Atty. Marino Salas, COMELEC, Provincial Election Supervisor, wala umanong problema sa mga gagamiting suplay o makina sa election dahil ang vote counting machine o vcm pa rin ang gagamitin sa 2022.
Nais man ng kagawaran na mapalitan ang mga gagamiting makina hindi umano ito maisasagawa dahil nagkulang na ang budget gawa ng COVID-19 pandemic.
Sinabi din ni Atty. Salas, na isa sa mga nakikitang problema sa darating na eleksyon ay ang bilang ng mga magsisilbing Board of Election Inspectors sa kabila ng nararanasang pandemya.
Aniya, sa ilalim ng Election Service Reform Act o ESRA ang mga guro ay hindi na mandatory na magsisilbi sa halalan kundi voluntary na lamang. Ilan sa mga guro ngayon ang mayroong pangamba dahil sa COVID-19 pandemic maging sa maaaring surge ng delta variant.
Samantala, nakatakda namang ipatupad ang digital signature na siyang ilalagay sa lahat ng papeles para sa mga ito sa susunod na taon.