Nitong araw ng Miyerkules, November 25, 2023, umabot na sa 65.03% ang bilang ng mga consolidated units ng mga Public Utility Vehicles (PUV).
Ito ay katumbas ng 129,568 na consolidated units ng mga Public Utility Jeepneys (PUJ), UV Express, Mini Bus, at mga Public Utility Buses.
Ang natitirang 34.97% ay kinabibilangan ng 69,665 individuals franchise holders.
Nauna nang ipinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nanatili ang paninindigan ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy ang December 31 nito para sa franchise consolidation ng mga PUV units.
Sa ilalim ng PUV modernization program, planong gawing makabago ang lahat ng consolidated units.
Ang mga additional units ay sasailalim sa route rationalization exercise sa loob ng sampung taon.
Nagkasa naman sa Lunes ng tatlong araw na tigil pasada ang grupong PISTON bilang protesta sa franchise consolidation dahil maaagaw umano ng mga negosyanteng korporasyon ang mga ruta ng mga maliliit na transport operator.