Tyansang makita pang buhay ang missing beauty queen, lumiit ayon sa CIDG

 

Patuloy na umaasa ang Philippine National Police (PNP) at pamilya ng missing beauty queen na si Catherine Camilon na makikita pa itong buhay.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Romeo Caramat, hindi sila nawawalan ng pag-asa na makikita pang buhay si Catherine.

Pero sa dami ng araw na dumaan mas lumiliit aniya ang tyansa na makikita pang buhay ang beauty queen.


Kanina, iniharap kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. ang umano’y kasintahang pulis ni Catherine na si Maj. Allan De Castro.

Pag-amin pa ni De Castro na mayroon silang illicit o ipinagbabawal na relasyon ni Catherine dahil siya ay may asawa o kasal na.

Tikom naman ang bibig nito kung mayroon siyang kinalaman hinggil sa pagkawala ni Catherine.

Ani ni Caramat, hindi naman nila mapipilit ang pulis na magsalita dahil sa iginagalang nila ang constitutional rights ni De Castro.

Samantala, humingi ito ng pasensya kay PNP Chief Acorda dahil sa nakaladkad ang kanilang organisasyon.

Pinayuhan naman siya ni Acorda na patunayan na lamang sa hukuman na wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Catherine.

Facebook Comments