Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 20,300 na

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 634 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sumampa na sa 20,382 ang COVID-19 cases sa bansa.

Sa bagong mga kaso, 313 ang fresh cases habang 321 ang late cases.


Sampu naman ang nadagdag sa mga nasawi na mayroon nang kabuuang 984.

Pumalo naman na sa 4,248 ang mga gumaling  sa nakahahawang sakit matapos madagdagan ng 95 new recoveries.

Kaugnay nito, umabot na sa 5,355 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 96 bagong kaso.

Umakyat naman sa 2,210 ang Overseas Filipinos na nakarekober na sa sakit habang nasa 357 ang nasawi.

Samantala, nasa 49,101 naman na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagnegatibo sa COVID-19 batay sa kanilang RT-PCR test.

Kabilang sa mga ito ang Filipino seafarers at returning OFWs.

Facebook Comments