Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 21,000 na

Umaabot na sa 21,340 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos madagdagan ng 714 na panibagong kaso.

111 naman ang panibagong nadagdag sa bilang ng recoveries na umaabot na sa 4,441.


Pito naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na umakyat na sa bilang na 994.

Samantala, walong Pilipino ang nadagdag sa panibagong bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa abroad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 13 Pinoy naman ang nadagdag sa bilang ng recoveries na nakabase sa Amerika at Europe.

Dalawa namang Pinoy ang panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa virus.

Kinumpirma rin ng DFA na ang Middle East pa rin ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na umaabot na sa mahigit 3,300.

Ang Amerika naman ang may pinakamalaking bilang ng mga Pinoy na namatay sa COVID-19.

1,900 na mga Pinoy sa abroad ang patuloy na lumalabas sa COVID habang 1,300 na ang gumaling.

Facebook Comments