Bilang ng COVID-19 cases sa Makati City, umakyat na sa 790

Pumalo na sa 790 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Makati City.

Batay sa pinakabagong tala ng health department ng lungsod, ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mga nanggaling sa Barangay San Antonio, Guadalupe Nuevo, Pitogo, Post Proper Northside, Rizal at West Rembo.

Mula sa nasabing bilang, 74 ang mga nasawi at 369 naman ang mga nakarekober na.


Umabot naman sa 440 ang kabuuang bilang ng suspected cases ng COVID-19 at isa lang ang probable case sa lungsod.

Dahil sa araw-araw na pagtaas ng bilang ng mga infected cases sa lungsod, hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga residente nito na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas laban sa virus.

Paalala rin niya sa kanyang nasasakupan na huwag kalimutang magsuot ng facemask kung lalabas ng bahay at magdala ng alcohol.

Panatilihin din aniya na sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus.

Facebook Comments