Bilang ng COVID-19 positive sa NCRPO, nasa 30 na!

Inihayag ng National Capital Region Police Office o NCRPO na nasa 30 na ang bilang ng mga police nito na nag positibo ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay NCRPO Director Police Major Gen. Debold Sinas, ito ay batay sa kanilang datos na naitala kahapon.

Aniya, ang nasabing bilang, apat nito ay mula sa NCRPO Headquarters, anim sa Northern Police District at Manila Police District.


May tatlo naman sa Eastern Police District, pito sa Southern Police District at apat sa Quezon City Police District.

Nasa 21 din ang bilang ng mga pulis na kabilang sa suspected cases at 75 naman ang bilang ng probable cases.

Sinabi niya na lahat ng pulis ng NCRPO na apektado ng COVID-19 ay sumailalim ng 14-day quarantine sa mga quarantine facility nito.

Kung saan meron 17 quarantine facilities na itinayo hindi lang sa loob ng compound ng NCRPO, kundi sa lahat din ng district stations nito.

Facebook Comments