Bilang ng Delta variant cases sa bansa, umabot na sa higit 3,000

Pumalo na sa 3,387 ang kabuuang bilang ng COVID-19 Delta variant cases sa bansa matapos maitala ang 21 na bagong kaso.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang resulta matapos kumuha ng 749 na retrospective sample mula Abril hanggang Hunyo.

Batay sa datos, 288 o 38.5% dito ay Alpha variant cases, 309 o 41.3% ay Beta variant habang 21 naman o 2.8% ay Delta variant na kaso.


Dagdag ni Vergeire, karamihan sa mga naitalang bilang ng kaso ng Delta ay mula sa Rehiyon III, Rehiyon IV-A, Rehiyon VI, Rehiyon X at Rehiyon XI.

Sa ngayon ay aabot na sa 13,852 ang samples with lineages ang na-sequence ng DOH.

Facebook Comments