
Bumaba sa tatlo ang electric cooperatives na nasa ilalim ng total power interruption ayon sa National Electrification Authority (NEA) matapos na magpatuloy ang power restoration.
Batay sa huling monitoring ng NEA Disaster Risk Reduction Management Department (DRRMD), nananatili pa rin ang blackouts sa bahagi ng CELCO (Camotes Island), PROSIELCO (Siquijor), LEYECO IV (Leyte).
Kaugnay nito, tatlong power co-ops ang nasa normal nang operasyon habang ang 29 na apektadong ECs ay nakararanas pa rin ng partial interruption.
Samantala, aabot sa halos apat na milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga electric cooperatives kabilang ang BANELCO (Bantayan Island), CAPELCO (Capiz), CEBECO 1 (Cebu), ILECO 1 (Iloilo), LEYECO V (Leyte), MARELCO (Marinduque) at OMECO (Occidental Mindoro).









