Pumalo sa mahigit 4.7 milyong mga estudyante ang nag-enroll para sa susunod na pasukan.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang nasabing bilang ay pinaghalong bilang ng early registration noong June 2 at ng unang opisyal na araw ng pagbubukas ng enrollment sa bansa.
Batay sa tala ng DepEd, noong June 2 ay mayroong mahigit 4.5 milyong mga estudyante na ang nag-enroll habang mahigit 220,000 lang noong August 16.
Ang Region IV-A o CALABARZON ang may pinakamaraming enrollees kung saan aabot ito ng mahigit 533,000.
Sinundan naman ito ng Region VII o Central Visayas na meron mahigit 411,000 enrollees.
Pumangatlo naman ang Region III o Central Luzon na mayroon namang mahigit 373,000 mga estudyante ay nag-enroll na.
Facebook Comments