Susunod na quarantine status ng NCR, pinagbobotohan

Sa pahayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora, sinabi niya na hanggang ngayon ay wala pang naitatakdang desisyon ang mga alkalde ng Metro Manila kung ano ang susunod na quarantine status ng National Capital Region (NCR) pagkatapos ng Agosto 20.

Aniya, pinagbobotohan pa rin kung itutuloy ba ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila o hindi na.

Dagdag pa niya, binabalanse nila ang kanilang desisyon sa ekonomiya at kalusugan upang hindi mahirapan ang mga residente ng NCR.


Ayon kay Zamora, kung ipagpapatuloy ang ECQ sa NCR, mahihirapan ang ekonomiya at kung luluwagan naman ito, maaaring marami ang magkasakit at mamatay dahil sa virus.

Iginiit niya na kung ano man ang pagkasunduan ng mga alkalde ay irerekomenda nila ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) at tanging ang pangulo pa rin ng bansa ang makapagdedesisyon nito.

Facebook Comments