Bilang ng estudyanteng nagpa-enroll para sa school year 2022-2023, nasa 27 milyon na ayon sa DepEd

Nakapagtala na ng 27 milyong estudyante ang nag-enroll para sa school year 2022-2023.

Batay ito sa Learner Information System (LIS) ng Department of Education (DepEd) kahapon.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, katumbas lamang ito ng 90% na kanilang target na 28.6 milyong estudyante para sa school year 2022-2023.


Sa naturang bilang, 23 milyong estudyante ang nagparehistro sa regular enrollment na nagsimula noong July 25 habang 4 milyon naman ang nag-enroll noong early enrollment period mula March 25 hanggang April 30.

Sa ngayon, wala pa ring desisyon kung papalawigin ang enrollment period na magtatapos na sa Lunes, August 22 na siyang unang araw rin ng pasukan.

Facebook Comments