Bayan ng Bulan sa Sorsogon, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Bulan sa Sorsogon kaninang 3:22 ng madaling araw.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala naman ang mga instrumentalities sa mga sumusunod na lugar:


Intensity III – Legazpi City, Albay; Mahaplag, Leyte
Intensity II – Tabaco, Albay
Intensity I – Naval, Biliran; Iriga City, Pili, Camarines Sur; Calubian, Ormoc City, Leyte; Prieto Diaz, Sorsogon

Ayon sa PHIVOLCS, walang silang inaasahang pinsala pero asahan ang mga aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.

Facebook Comments