Aarangkada na ngayong araw ang huling bugso ng pamamahagi ng P1.5 billion na financial assistance sa indigent students.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez, inaasahang mauubos na ng ahensya ang natitirang P200 million para sa programa.
Tinatayang nasa higit 559,000 na estudyante na ang nakatanggap ng cash aid, mas malaki sa inaasahang 400,000 na estudyanteng makakatanggap nito.
Nakatakda namang mag-anunsyo ang DSWD ng extension para sa cash assistance program sakaling may sobrang pera mula sa kanilang pondo.
Facebook Comments