Umakyat na sa 13 ang bilang ng fireworks-related injuries na naitala ng Department of Health (DOH), kasabay ng nalalapit na pagpasok ng 2019.
Base sa pinakahuling datos mula sa DOH, 3 ang nadagdag mula sa Region VII, 2 sa Region III at 1 pa mula sa NCR.
Ang mga pasyenteng ito ay nasa edad 2 hanggang 28 taong gulang.
Ayon sa Heath Secretary Francisco Duque III, ang mga kaso na ito, mas mababa pa rin ng 61% kumpara sa 15 kaso ng fireworks-related injury na naitala noong 2017 sa kaparehong panahon.
Facebook Comments