Bilang ng firecracker related injury, umakyat sa 55

35

Umakyat na sa 55 ang bilang ng fireworks related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) simula December 21, kasabay ng nalalapit na pagpasok ng 2019.

Base sa pinakahuling datos mula sa DOH, 4 ang nadagdag mula sa Region VI, 1 sa Region I, III, VII, VIII, XI.

Sa 53 na kaso na ito, 2 dito ay fireworks ingestion.

32 dito ang nasabugan, 5 sa mga ito ay blast with amputation.

Habang 19 ang nagtamo ng eye injury.

Nangunguna pa rin sa sanhi ng mga aksindenteng ito ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, kwitis, piccolo at triangle.

Ang 40 na pasyenteng ito ay nasa edad 2 hanggang 69 taong gulang, karamihan ay lalaki.

Ayon kay Heath Secretary Francisco Duque III, ang mga kaso na ito, mas mababa pa rin ng (56 kaso) 50% kumpara sa bilang ng kaso ng fireworks related injury na naitala noong 2017 sa kaparehong panahon.

Facebook Comments