NEWS UPDATE : Suspek na naka-kaladkad ng backrider sa Echague, Isabela, ‘Di na Kakasuhan!

103

*Echague, Isabela–* Hindi na sasampahan ng kaso ang suspek na nakasagasa sa isang back rider nakasagasa sa isang back rider na nahulog mula sa isang motorsiklo sa pambansang lansangan ng Brgy. Maligaya, Echague, Isabela.

Ito ang kinumpirma Police Inspector Edgar Pagulayan, Deputy Chief ng PNP Echague, Isabela matapos makipag aregluhan ang suspek na si Jonathan Banzal Macarilay sa pamilya ng biktima na si Noel Millante ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Matatandaan na noong Disyembre 29, 2018 ng hapon ay nasawi si Millante nang ito ay mahulog sa sinasakyang motorsiklo at masagasaan ng kasunod na tricycle na minamaneho ni Macarilay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Edgar Pagulayan, sinabi nito na nagkasundo ang pamilya ng biktima sa suspek na magbibigay na lamang ito ng tulong financial maging ang driver ng motorsiklo na sinakyan ng biktimang si Noel Millante.

Facebook Comments