Sumampa na sa 291 ang bilang ng naitalang fireworks-related injury sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 14 ang kaso ng tinamaan ng paputok na naitala mula January 4 hanggang 5, 2023.
Ayon sa Department of Health (DOH), mas mataas na ito ng 55% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon na nasa 186 lamang.
Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 135 na kaso; sinundan naman ito ng Region 6 na may 33 at Region 1 na may 29 cases.
Kwitis pa rin ang nangungunang sanhi ng pagtaas ng bilang ng fireworks-related injuries habang sinundan naman ito ng boga, 5 star at fountain.
Facebook Comments