Command group ng PNP kabilang si PNP Chief Azurin, naghain na ng courtesy resignation

Nagsumite na ng kanyang courtesy resignation si Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ito’y matapos ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr., na magsumite ng courtesy resignation ang mga full pledged colonel at general ng PNP.

Kasama ni Azurin na naghain ng courtesy resignation ang kanyang command group na kinabibilangan nina PLt. Gen Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Administration at PLt. Gen Benjamin Santos, Deputy Chief for Operations.


Kasunod nito, muling nagpahayag ng suporta si Azurin sa hakbang na ito ni Sec. Abalos para linisin ang hanay ng PNP sa mga sangkot sa iligal na droga partkular na ang mga 3rd level officials.

Aniya, isa itong moral challenge para maibalik ang moral ascendency ng PNP.

Una nang sinabi ni Gen. Azurin na nasa 956 na full pledge colonel at generals ang kabuuang bilang ng maapektuhan nang nasabing apela ni Sec. Abalos na paghahain ng courtesy resignation.

Facebook Comments