Sumampa na sa 36 ang bilang ng naitalang fireworks-related injuries sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula kahapon, December 28 ay nadagdagan ng apat ang kaso ng fireworks-related injuries, mula sa 61 na DOH sentinel hospitals.
Mas mataas na ito ng 44% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon, na nasa 25 lamang.
Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa Region 6, na may siyam na kaso; sinundan naman ito ng Region 5, na may limang kaso; Region 14, na may apat; at Regions 7 at NCR, na may tig-tatlo.
Ayon sa DOH, boga, whistle bomb, kwitis, 5-star, at Camara ang mga paputok na karaniwang nagiging dahilan ng firework related injuries.
Facebook Comments