Bilang ng fireworks-related injury sa bansa, umabot na sa 32 ayon sa DOH

Sumampa na sa 32 ang bilang ng naitalang fireworks-related injury sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula kahapon, Dec. 27 ay nadagdagan ng pito ang kaso ng fireworks-related injury, mula sa 61 na DOH sentinel hospitals.

Mas mataas na ito sa 39% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon, na nasa 23 lamang.


Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa Region 6, na may 7 kaso; sinundan naman ito ng Region 5, at 12, na may tig-apat; at Region 7 at NCR, na may tig-tatlo.

Ayon sa DOH, boga, whistle bomb, kwitis, 5-star, at Camara ang mga paputok na karaniwang nagiging dahilan ng firework related injury.

Facebook Comments