Bilang ng foreign nationals na naka-enroll sa SPUP, nasa 486 lang at hindi 4,600 ayon sa concerned private HEIs sa Cagayan

Nilinaw ng concerned private higher education institutions (HEI) sa Cagayan na nasa 486 lang ang naka-enroll na foreign nationals sa St. Paul University Philippines (SPUP) at hindi lang ito mga Chinese nationals kundi mga halo-halong nationalities.

Taliwas ito sa inilabas na datos ni Congressman Jojo Lara na nasa 4,600 umano ang mga Chinese students na nag-aaral sa lungsod.

Sa isang statement, sinabi ng samahan ng HEIs na nitong April 17,2024, nakapagpatapos na ang SPUP ng nasa 486 na foreign students.


Kinabibilangan ito ng mga estudyante mula sa China, Korea, Japan, Timor Leste, Indonesia, Vietnam, India, Nigeria, at America na mga totoong estudyante na nag-aaral ng iba’t ibang kurso katulad nursing, civil engineering, at graduate school.

Dagdag ng grupo, ang University of Cagayan Valley, University of St. Louis Tuguegarao at Medical Colleges of Northern Philippines ay walang foreign students sa kasalukuyan.

Dahil dito, wala umanong katotohanan ang alegasyong may dagsa ng Chinese national sa lungsod.

Daggdag pa ng grupo, mahigpit ang kanilang panuntunan sa pagsala ng mga foreign student na nakabase sa kanilang internationalization policies.

Mali rin umanong paratangan ng pag-iral ng diploma mill ang kanilang mga kolehiyo dahil dumaan sa mahigpit na proseso ang pagtanggap sa mga foreign students alinsunod sa patakaran ng Commission on Higher Education.

Mahigpit din umano nilang sinisiguro ang seguridad at kaligtasan ng kanilang mga banyagang estudyante kaya maling ituring ang mga ito na banta sa seguridad ng bansa.

Facebook Comments