Meralco, muling nakaalerto sa red alert ngayong araw sa Luzon

Inalerto na ng Meralco ang kanilang Interruptible Load Program (ILP) participants para sa de-loading ng supply ng kuryente.

Sa harap ito ng muling pagdedeklara ng NGCP ng Red Alert sa Luzon ngayong araw.

Ayon sa Meralco, nakahanda rin silang magpatupad ng manual load dropping (MLD) o rotating power interruptions kung kakailanganin.


Muli ring nanawagan ang Meralco sa publiko na tipirin ang paggamit ng kuryente.

Facebook Comments