Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) na tuloy-tuloy ang paglabas sa bansa ng foreign nationals hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, maliban sa maliit lamang ang mga turista na dumating sa bansa, kung saan 1.5 million lamang mula Enero hanggang September ng taong ito dahil na rin sa travel restrictions na ipinatutupad sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.
Karamihan aniya sa nasabing mga turista ay dumating sa bansa bago pumutok ang pandemya at 2-million ang nag-alisan na rin sa Pilipinas.
Bunga nito, sinabi ni Morente na malaki ang naging epekto nito sa sektor ng turismo ng bansa.
Maging ang malaking bilang ng mga estudyanteng dayuhan na pumapasok sa bansa ay nawala na rin.
Umaasa naman ang BI na makakabawi ang tourism sector sa papasok na taon.