Bilang ng foreign tourist arrivals sa bansa, umabot sa higit 100,000 sa loob ng isang buwan

Umabot na sa higit 102,031 na foreign tourists ang bumisita sa bansa simula nang buksan ang border nito noong Pebrero 10.

Nangunguna ang Estados Unidos sa contributors na may 22,243 visitor arrivals; at sinundan ito ng Canada na may 4,852; United Kingdom na may 4,386; South Korea na may 3,748; habang ang iba ay ang Australia, Vietnam, Germany at Japan.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) na Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, masaya siya sa resulta nito na sumasalamin sa muling pagsigla ng sektor ng turismo.


Aniya, nangangahulugan ito na maraming Pilipino ang nabigyan ng trabaho at hanapbuhay sa tourism industry.

Dagdag pa ni Puyat na ang pagdagsa ng mga dayuhan ay dulot ng pagluwag ng entry protocols para sa fully vaccinated leisure travelers mula sa visa-free countries at suspensyon ng classification system.

Samantala, kumpiyansa naman ang kalihim na bagama’t malayo pa sa pre-pandemic level ang numero ay patuloy pang dadami ang mga bibisita habang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments