PNP, naniniwalang may sabwatan sa pagkawala ng mga sabungero

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na may sabwatan sa mga sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, inililihis ng mga sangkot ang imbestigasyon ng pulisya.

Pero malakas aniya ang kanilang kaso laban sa mga kidnapper dahil sa kanilang vital witness.


Samantala, naghain na ng mga kaso ng kidnapping at serious illegal detention ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa walong suspek na may kaugnayan sa kaso ng pagkawala ng anim na mga sabungero.

Facebook Comments